SILA LANG BA ANG DAHILAN?

(Matapus sumagi sa isip ko ang mga iilan sa mga insidente….)

 

Galit ka ba sa isang kurakot na politiko? Mga opisyal ng ating gobyerno? At kung sino pang mga tao sa ‘dilim’ na mapag samantala? Obyos naman siguro ang sagot dyan, “kailangan pa bang imemorize yan?”

Walang taong hindi galit sa taong kurakot, mangungutong, mapagsamantala, gahaman, mandurugas dahil sa ating pagtanto sila ang dahilan ng paghihirap ng mga kapwa natin, sabihin na nating mga kapwa natin Pilipino. Kumbaga, sa loob  ng nakabarong, baro’t saya o ’di kaya’y magagarang kasuotan ay isang animo’y ‘gutom na lobo’ at hayok na hayok sa laman. Oo, walang taong hindi galit sa kanila, sapagkat kahit na nga kapwa nila, eh galit ’din sa kanila, tayo pa kaya na ”hindi raw” isa sa kanila.

Sa kanila natin sinisisi ang kahirapan, kawalang pag-unlad ng ating bansa, krimen at mga skandal na nangyayari. Ilang dekada na rin ang sinikatan at nilubugan ng araw, ngunit hanggang pangarap pa rin tayo na umunlad ang ating bansa. At ang kawalang katuparan nito’y isinisisi natin sa mga lider ng ating bansa. Agad sumasagi sa isip ko ang kurapsyon. Oo, nga ano bakit hindi? Pero naiisip na ba natin na iilan lang sila na nasa taas at tayo pa rin ang nakararami ang nasa baba ang totoong humahawak ng kapangyarihan? Kapangyarihan na papanatilihin sila sa puwesto, at ang kapangyarihan na tulungang umunlad ang ating bansa. Tayo pa rin ang makapangyarihan, hindi sila. Pansinin nyo na lang kung paano nagmamakaawa at halos manikluhod ang mga yan pagdating ng eleksyon, at tayo rin paniwalang-paniwala naman! Hmmm, nasa ugali nating mga Pinoy ang madaling mabilog ang ulo – kita naman di ba? 

Ngunit kung naghihirap ang ating bansa, ang tanong sila lang ba ang dahilan kung bakit tayo ganito? Umiiba ang ihip ng hangin, unti-unti mong nakikita ang yung sariling humaharap sa salamin. Nababanaag sa yung mukha, sabwat ka rin!

Mangilan-ngilang insidente ang napasagi sa isip ko. Ilang buwan lang ang nakalipas, habang naglalakad ako papuntang trabaho, kung dati rati’y derideritso ang lakad ko sa eskinitang ito, ngayon may iniilagan na ako. Ito ay ang mga halamang itinamin sa gilid ng daan. Sa wari ko’y pakana ng MMDA kon ‘di man tawagin na nating ‘kosern sitisens.’ Bobot pa lamang ang mga halamang ito, kayang baliin ng sinumang wala pa sa tamang kaisipan o sinumang wala sa tamang kaisipan. Itinanim ang mga halamang ito sa malinaw na dahilan kung MMDA man, para sa adhikaing “Metro Guapo.” Napakaganda at walang masama doon. Ang masama nga lang ng pauwi na ako at pabalik na wala na akong puweding ilagan dahil wala na rin ang mga bobot na pananim. Lahat putol-putol na at waring sinadyang pagtripang pitasin ang mga dahon nito at pagbali-baliin ang mga puno nito – tapos ang proyekto – balik sisi ulit tayo!

Strike two! Habang pauwi na naman ako sakay ng trysikel, napansin ko ang tumpok ng mga kalalakihang nakapaligid sa isang manhole na ginagawa ng Manila Waters para sa water project ng isang barangay. Pinaiikutan ito ng tape na may nakalagay na “caution” kung saan nakatali din ito sa mga reflective poles na nakapalibot sa manhole. Ito’y syempre para mag silbing babala sa mga dadaan doon sa parting yun ng daanan. Walang ano-ano’y, sa ‘di malamang dahilan eh biglang pinag huhulog isa-isa ng mga mukong na to ‘yung mga protective poles doon sa manhole. At isa-isang nagsi alisan na parang walang nangyari. Kita mo, kung anong gawa ng ating kapwa, ganun ding kasisira ng magagaling na mga nilalang na to. ’Di ko pa isinasalang ang insidente ng mga street lights na pinag titirador ng kung sinumang inaabot ng sira ng ulo sa daan. Magkano ang halaga ng bawat ilaw na sa walang kadahilanan eh, basta na lamang pinagtitirador.   

Kung gusto nyo pa ng mahaba-habang halimbawa meron, pero napapahaba na ata ako. Tingin na lang kayo sa paligid n’yo o sa salamin na hawak n’yo – maraming halimbawa, ako may hawak na rin. Bakit, sila (kurakot na mga politiko) lang ba ang dahilan?

Hindi naman kasi nag sisimula ang kurapsyon ng isang politiko o kung sino man sa pamamagitan ng paglustay ng pera ng mamamayan, kundi nagsimula ito sa kinupit na papel sa kanyang katabing kaklase. Nagsimula ang kahirapan, hindi dahil naigastos ito sa ZTE deal, kundi sa bawat mamamayang ‘di marunong magpahalaga sa bawat sentimong kanyang kinikita (kung may kinikita pa nga ba?). Pero ang mahirap dito, minsan wala na ngang kinikita grabe pa pag umasta.

Sa bawat kupit, kasinungalingan, pagmamalabis, pinsala na ating ginagawa malaki man o maliit, alam n’yo bang hindi lang ito iniimpluwensyahan ang presenteng henerasyon, kundi ito’y magpasawalanghanggan na lang. Kagaya ng kabayanihang ginawa ni Rizal. Pero ‘di na natin kailangang maging Rizal pa. Sa bawat bagay na ginagawa natin, aminin man natin at sa hindi, maniwala man tayo’t sa hindi, may kinalaman tayo sa magiging kaunlaran o kasiraan ng darating na henerasyon. At tayo na ngayon ang henerasyon ng mga nagdaang ‘kabayanihan’ o ‘kapabayaan.’ Ikaw ang humusga’t pumili kung asan na tayo ngayon.

Ang namumuong katutuhanan sa isip ko, hindi lang sila (politiko) ang dahilan kung bakit ganito tayo ngayon.

WHEN GOD ANSWERS PRAYERS

INTRODUCTION

Bob Russell is a fluent speaker and preacher in line of religious affairs. He has been into tour around Europe untiringly and with zeal preaching the word of God even to the extent that he consequently met an accident in one of his endeavor. This laid him abed for quit sometime n the hospital. Russell has fertile religious and spiritual ideologies as fortified by his down-to-earth experiences. Some of the contents of the book were mainly exhorted fro among his preaching. These circle mostly on prayers and God.

“God answers every prayer,
for either he gives what we pray for,
or of something for the better.”

                          - Soren Kierkegaard

 

A. Our Manners on Prayer

Answered_prayersWe always seem to consider prayer as an amount or a medium of exchange to buy a commodity from God. We usually fall into our knees when we are constricted by needs and other infirmities, and forgets everything when we are casually on tract again to life. Prayer is always compartmentalized – that is, by certain grace of time and place. And other human activities are devoid of prayer itself. If we pray in times when we are dragged by needs, anxieties, anger and frustrations we see God as an over-the-counter pain reliever. That is, we remember him at this juncture and some other times his out of the blue again. Man’s faculty is brittle and fluctuating, always tantamount to ingratitude and forgetfulness. Prayer is always in danger of a vain negotiation between man and a personal and loving God.

We usually pray as if we are holding a scepter putting God under the veil of our superficiality, to the extent of imposing an imperative over him. As if God slept last night. As if God is so dull of the queer twists of our world. Say Bob Russell, “prayer is not meant to be dictation. We, in our immaturity sometimes don’t know what to ask for. Jesus himself was not a dictator in his prayers. In the garden of Gethsemane he prayed, “not my will, but yours be done.”

B. Prayers Need Not Be Perfect

Every one has doubts, God doesn’t expect perfect faith, but he does expect sincere faith (Bob Russell). It is a fact that we are doubter by nature and it follows that we cannot dispense the anxiety that our prayers will not come true. However, we are not being told to have perfect faith, rather earnest faith. We only have to acknowledge to God our weaknesses, our dependence on him so that God may fill it. While boasting ourselves to be self-sufficient, surely God will not fit into it.

C. Unanswered Prayers

One of the most frustrating things grounded to prayers, oftentimes, in lieu to us, is that we deemed it as unheard and always unanswered. Bob Russell stressed out, “God doesn’t guarantee that he’ll answer all of our prayers exactly the way we ask, or prayers would put us in charge of the universe. That would be dangerous.” he added that, “sometimes God uses natural means to answer our prayers. God moves mountains more through gradual erosion than through Volcanic eruption.” God, according to Bob will take into account our immaturity and limitations, no matter how much we think we know what’s best for us, God sees the “bigger picture” and is interested in what is best for us. Further, God will not answer prayers in verbatim fashion. Say one of you is asking for a dry season and the other is asking for wet one and you are at the same locality. Which of you will be heard? God cannot make dry and wet season at the same time and in the same place. Wet and dry are two polar or opposite elements of nature, just like light and darkness. Else, God would be scrambling nature and contradicting himself. We know that God respects nature the way he has given us perfect individual choices. What God has done, God will not undo, although he can destroy it. He made you a man, he cannot undo you into an ape or a banana. Everything is perfect when God made this world. So, there is no need to undo it or God must have done a mistake when he made this world. Nonetheless, your prayers will be heard in the way that God sees it to be best for you and to your fellow. God doesn’t have time to self-centered and selfish prayers.

D. Finally, Prayer is…

True and clear enough when God said that he’ll be with us ’till the end of time is a personal conviction and he is not “watching us from a distance” as cited in a song. Our God is not a scrape of  genie-in-the-bottle who care only for petty yearnings. Instead, he is a God who is intimate. A God who cares for both sides of the coin in our lives. At his end (Bob Russell) he said, that prayer is saying, “Father, will you do thine with me? I can’t do it alone! It’s too big for me. Then, when you step out in faith, you discover that with our heavenly father beside you, the sky’s the limit.”